Kelot na nagbebenta ng Gcash sim arestado
MANILA, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang 22-anyos na lalaking nagbebenta ng mga simcard na verified sa Gcash Account sa inilatag na entrapment operation ng pulisya, kamakalawa sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.
Nahaharap sa mga kasong Violations of Sec. 5 (d) of RA. 12010 otherwise known as the “Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA)” and Sec 7 (Subsequent sale of Registered SIM Card) of RA No. 11934 otherwise known as the subscriber ang suspek na kinilala sa alyas na Josh,residente ng Citi Homes, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, nagkasa ng entrapment operation ang Regional Anti-Cybercrime Unit 4A,alas-12:57 ng tanghali sa tapat ng Citi Homes Subdivision, Brgy. Molino 4 ng nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, nagbebenta umano ang suspek ng fully verified GCash account at verified E wallet accounts na mga simcard na kung saan mahigpit itong ipinagbabawal at labag sa SIM Registration Act.
Nakipag-deal ang pulisya sa suspek sa pamamagitan ng Facebook at ng magkasundo ay nag-meet up ang mga ito sa lugar kung saan nahuli ang suspek Narekober sa suspek ang 1 Globe Sim card na may number na 09771283064, buy-bust money na gamit sa operasyon at 1 Cellphone na Itel Infinix Smart 9.
- Latest