P4.5 milyong high grade marijuana nasabat sa Baguio
MANILA, Philippines — Umaabot sa P4.5 milyong halaga ng high grade marijuana ang nasabat ng mga awtoridad kasabay ng pagkakaaresto sa bigtime na tulak ng droga sa operasyon ng Police National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Baguio City.
Sa report na tinanggap ni PDEG chief Brig. Gen. Eleazar Matta, naaresto ang 20-anyos na suspek bandang alas-2:30 ng hapon sa Brgy. Burnham-Legarda-Kisad, Baguio City.
Nakuha sa suspek ang package na naglalaman ng pinatuyong high-grade marijuana (kush) na nasa tatlong kilo.
Sinabi ni Matta na ang matagumpay operasyon ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan para sa seguridad ng bawat komunidad.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Special Operation Unit ng Cordillera Administrative Region (SOU CAR) PNP-DEG ang suspek habang nasa pangangalaga na ng Regional Forensic Unit CAR, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet ang nasamsam na marijuana.
- Latest