Lady drug den operator, 3 kasabwat arestado

Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao (BARMM), nasa kustodiya na nila ang sinasabing drug den operator na si Baiwata Amirol Ala at kasamahang sina Jackson Escoral Mandi, Jeffrey Ala Abdullah at Jehad Ala, na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang babaeng hinihinalang drug den operator at kanyang tatlong kasabwat sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Huwebes, November 28, 2024.

Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao (BARMM), nasa kustodiya na nila ang sinasabing drug den operator na si Baiwata Amirol Ala at kasamahang sina Jackson Escoral Mandi, Jeffrey Ala Abdullah at Jehad Ala, na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Agad na inaresto ng mga operatiba ng PDEA-BARMM at mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang apat matapos mabilhan ng 25 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P170,000, sa buy-bust operation mismo sa kanilang drug den sa Sitio Broce, Zone 4, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat.

Agad na ipinasara ng mga agents ng PDEA-BARMM at mga pulis ang nasabing drug den na ayon kay Castro ay dinarayo ng mga parokyanong residente mula sa Barangay Tamontaka at kalapit na lugar. 

Show comments