MANILA, Philippines — Upang higit na mapalapit ang serbisyo sa mamamayan, pormal nang binuksan ng pamunuan ng National Bureau of Investigation ang pinakabagong opisina sa Cauayan City Isabela.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang hakbang ay bilang supporta ng ahensiya sa Bagong Pilipinas program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilapit sa tao ang mga frontline services ng mga tanggapan ng gobyerno.
Ang binuksang NBI Clearance satellite office ay matatagpuan sa Talavera Square Mall, Maharlika Highway, Cauayan City, Isabela.
Sa pamamagitan ng bagong NBI office, sinabi ni Director Santiago na hindi lamang mga residente ng Cauayan City, Isabela ang maseserbisyuhan nito kundi gayundin ang mga kalapit bayan dito.
Binigyang diin ni Santiago na ang hakbang ay bahagi ng pangako ng ahensiya na magbigay ng epesyente, di kalidad at accessible frontline service para sa publiko.