484 mag-aaral na Blaan sa South Cotabato, may water supply na

Ang bagong water supply system na itinayo sa loob ng campus ng Lampitak National High School sa Tampakan, South Cotabato na inaasa- hang pakikinabangan ng mahigit 400 esudyante.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nagalak ang mga etnikong Blaan at mga guro sa isang paaralan sa Barangay Lampitak sa Tampakan, South Cotabato sa pagkakaroon na nila ng water supply system para sa 484 na mag-aaral na matagal na nilang mithiin.

Naging problema sa mahabang panahon ng mga guro sa Lampitak National High School ang kawalan ng supply ng malinis na tubig sa loob ng kanilang campus na naresolba na ng local officials, mga Blaan tribal leaders at ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI).

Sa pahayag nitong Martes ni School Head Jane Jumawan, masaya silang mga guro at mga estudyante ng LNHS sa pagkakaroon ng electric water pump at supply facility sa loob ng kanilang campus na magkatuwang na ginawa ng SMI at ng mga Blaan tribal leaders sa Tampakan, hindi kalayuan sa Koronadal City na kabisera ng South Cotabato.

Ayon kay Blaan tribal leader Domingo Collado, indigenous peoples mandatory representative sa Tampakan Municipal Council, matagal nang nagtutulungan ang kanilang tribo at SMI sa mga corporate humanitarian projects kahit na sa 2025 pa ito magsisimula ng copper at gold mining sa kanilang bayan, batay sa pahintulot ng Malacañang, ng National Commission on Indigenous Peoples at ng Tampakan Blaan Tribal Council.

Ayon sa mga dalubhasa sa central office ng Department of Environment and Natural Resources at mga geologists sa Europe at Australia, ang copper at gold deposits sa mga Blaan ancestral lands sa Tampakan ang pinakamalaki sa South East Asia.

Show comments