6 Bicol Governors nagsanib, malalaking proyekto ilalarga
Wala munang away-away sa halalan
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Inihayag ni dating Ako Bicol congressman Christopher Co, kapatid ni House budget and appropriation chairman Cong. Elizaldy “Zaldy” Co na tumatakbong kongresista sa pangalawang distrito ng Albay na nagkasundo na ang lahat ng anim na gobernador ng Bicol na magtutulungan para makuha ang malalaking proyekto para sa ikauunlad ng Kabikolan.
Sa pulong balitaan kamakalawa kasunod ng pagsusumite ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Comelec-Albay bilang kongresista, kapalit ni 2nd district Cong. Joey Salceda na tatakbong muli na gobernador ng Albay, na ngayon lang nangyari na lahat ng gobernador ng Bicol ay nagkaisa na wala na munang labanan at away upang makuha ang mga malalaking proyekto para sa kani-kanilang probinsya.
Gaya ni Masbate Gov. Antonio Kho na sinasabing sinuportahan dati sa pamamagitan ng pondo ng dismissed governor na si Noel Rosal noong nakaraang halalan ay kumalas na sa kanyang kaibigan at pumanig sa mga kandidato ni Cong. Zaldy Co.
Gayundin umano sina Catanduanes Gov. Joseph Cua; Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte; Sorsogon Gov. Jose Edwin Hamor; at Camarines Norte Gov. Ricarte Padilla ang nagkasundong walang susuportahan na kandidato na kalaban ng mga Co at ni Cong. Salceda na naghain ng COC upang bumalik muli sa kapitolyo ng Albay.
Nagbiro pa ang ilang opisyal na saka na lang uli mag-away-away pagkatapos ng administrasyon.
- Latest