Cong. Khonghun ‘sure win’ na sa 2025 election
ZAMBALES, Philippines — Sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) ng Comelec, walang lumutang para labanan sa pagka-kogresista si incumbent Representative Jay Khonghun sa unang distrito ng Zambales na nag-file ng kanyang reelection bid.
Ito ang nabatid mula kay Comelec Provincial Officer JR Francia sa pagtatapos ng isang linggong paghahain ng COC na nagsimula noong October 1 at nagtapos nitong Martes ng alas-5 ng hapon.
Ayon pa kay Francia, tanging si Khonghun lamang ang naghain ng kandidatura sa nasabing posisyon.
Bagama’t walang kalaban o sure win na sa 2025 midterm elections. nangangailangan naman ng isang (1) boto si Khonghun sa mismong araw ng halalan upang opisyal na maideklarang panalo ang mambabatas para sa ikalawang termino, alinsunod sa umiiral na batas.
- Latest