Marcos, nanguna sa pagbubukas ng pinakamahabang tulay sa Mindanao

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. attended the declaration of Misamis Occidental as an insurgency-free province, a milestone achieved through the combined efforts of national and local governments, security forces, and the community.

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng itinuturing na pinakamahabang tulay  sa Mindanao.

Kasama ng Pa­ngulo sa inagurasyon ng ­Panguil Bay Bridge Project (PBBP) na  may habang 3.17-kilometer si  Department of Public Works and Highways (DPWH), Secretary Manuel Bonoan at Korean Ambassador to the  Philip­pines Lee Sang-Hwa.

Ang nasabing tulay ang pinakamahabang tulay sa Mindanao na tumatawid sa dagat kung saan nagkakahalaga ito ng P8.026 bilyon, ay naisa­katuparan sa ilalim ng isang loan agreement na pinirmahan noong 2016 sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at Korean Export-Import Bank-Economic Development ­Cooperation Fund (KEDCF) sa ilalim ng Loan Agreement No. PHL-18.

Gumamit ang ­proyekto ng makabagong teknolohiya mula sa Korea, kabilang ang reverse circulation drilling at thick permanent steel casings. Mayroon itong 54 board piles para sa 32 piers, na tinitiyak ang matatag na pundasyon para sa 2-lane, 2-way traffic na may carriageway width na 13 meters.

Dahil sa nasabing tulay, inaasahan na bababa na ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Misa­mis Occidental at Lanao del Norte mula sa dalawa hanggang dalawa’t kalahating oras na biyahe sa Roro vessels.

Dumalo rin sa sere­monya sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, KEXIM Bank Director General Cho In-Kyo, Lanao del Norte Governor Imelda Q. Dimaporo, Misamis Occidental Governor Henry S. Oaminal, at iba pang mga opisyal.

Show comments