‘Mastermind’, 3 pang suspek sa holdapan sa Laguna, timbog

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mark Anthony Deita, 31, tinaguriang “mastermind”; Nilo Balbarono, 34, cons­truction worker; Jhon Cristian De Leon, 21, at truck driver na si Rommel Ignacio, 28.

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Apat katao kabilang ang isang umano’y mastermind sa Sta. Maria town robbery heist ng lalawigang ito, na inilarawan ng pulisya na “hold-up me” ang ­naaresto sa follow-up operation sa Antipolo City, Rizal at Marikina City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mark Anthony Deita, 31, tinaguriang “mastermind”; Nilo Balbarono, 34, cons­truction worker; Jhon Cristian De Leon, 21, at truck driver na si Rommel Ignacio, 28.

Arestado si Deita sa follow-up operation sa Barangay Fortune, Markina City, kahapon bandang alas-9:40 ng umaga habang naaresto sina Balbarono, De Leon at Ignacio sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal kahapon ng alas-3:30 ng madaling araw.

Nakuha mula sa mga suspek ang ninakaw umano nilang bag na naglalaman ng P87,360 cash, isang Honda motorcycle, replica toy gun caliber .45 na ginamit sa panghoholdap.

Sinabi ng pulisya na nangyari ang robbery heist sa kahabaan ng Marilague Highway sa Barangay Matalingting, Sta. Maria, Laguna noong Sept 24 bandang alas-5:30 ng hapon.

Dumating sina Deita at Ignacio saka iniulat sa pulisya ang insidente, at sinabing sakay sila ng Isuzu pick-up patungo sa Tanay, Rizal nang sila ay i-flag down ng dalawang hindi kilalang nakasakay na lalaki.

Sa pagtutok ng baril, inatasan ng isa sa dalawang magnanakaw ang biktima na buksan ang pinto ng kotse at hinablot ang sling bag na naglalaman ng cash money na P293,000 at tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Sampaloc, Tanay, ­Rizal.

Show comments