^

Probinsiya

Bayan sa Negros Occidental nagpatupad ng curfew

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bayan sa Negros Occidental nagpatupad ng curfew
Apektado ang Brgy. Biak na Bato sa La Castellana, Negros Occidental matapos na rumagasa ang lahar mula sa pumutok na Mt. Kanlaon sanhi upang mawalan sila ng malinis na tubig na maiinom at hindi na rin madaanan ng mga motorista ang kanilang lugar.
Courtesy: JP Hervas, RP1 Iloilo, Mt. Kanlaon Natural Par

Mga residente nanawagan na ng ‘tubig’

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng curfew ang bayan ng La Castellana sa Negros Occidental habang hirap ang mga residente sa paghahanap ng tubig na maiinom nang uma­gos na ang lahar at maapektuhan ang mga pinagkukunan nila ng tubig dulot ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay Mayor Alme Rhummyla Nicor-Mangilimutan, ipatutupad ang daily curfew sa kanilang buong bayan base sa inisyu niyang Executive Order No. 024-026 mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Epektibo ang curfew nitong Biyernes na mahigpit na oobserbahan sa nasabing bayan na naglalayong ilayo ang mga residente sa banta ng panganib.

Base sa mensaheng ipinaabot ng alkalde, naapektuhan ng mataas na antas ng sulfur dio­xide ang mga sources ng tubig sa kanilang bayan. Ang mga residente ay dumaraing ng tulong sa pamahalaang nasyonal para sa malinis na maiinom na tubig at iba pang ayuda.

Sinabi ng alkalde na ang malinis na maiinom na tubig ang isa sa matin­ding suliranin ng kanilang bayan ngayon dahil sa 13 barangay na may 80,000 residente ang tinamaan ng sulfur dioxide mula sa bulkan.

Magugunita na pumutok ang Mt. Kanlaon sa Negros Island noong Lunes matapos ang anim na taon at kalahati na huling pag-aalboroto nito.

LA CASTELLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with