^

Probinsiya

Babaeng dalaw tiklo sa dalang shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Babaeng dalaw tiklo sa dalang shabu
Nakilala ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 at 11, Art. II ng RA 9165 ang suspek na nakilalang si Estel Chano Monsalud, nasa hustong gulang, residente ng Dasmariñas City, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Magkasama na sa kulungan ang magkaibigan, matapos na matiklo ang isang babaeng dumalaw sa kaniyang kaibigang nakakulong nang makuhanan ng shabu na nakatakda sana nitong ibigay sa kanyang kaibigan, kamakalawa sa isang piitan sa Brgy. Burol 2, Dasmariñas City.

Nakilala ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 at 11, Art. II ng RA 9165 ang suspek na nakilalang si Estel Chano Monsalud, nasa hustong gulang, residente ng Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, alas-9 ng umaga nang masamsaman ang suspek ng droga habang dumadaan sa body searching bago makapasok sa nasabing piitan.

Duty jail officer ng mga oras na iyon si JO1 Rachel C Bergado, ng Dasmariñas BJMP at nang kapkapan nito ang suspek ay nadiskubre ang nakasingit na isang maliit na plastic sachet ng shabu sa isang bahagi ng katawan nito sanhi ng kanyang pagkakaaresto.

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with