^

Probinsiya

Higit 1,000 NPA sumuko sa Lopez, Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LOPEZ, Quezon, Philippines — Umaabot sa 1,014 na mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang pormal na nagbalik-loob sa pamahalaan kaalinsabay sa pagdedeklara ng Lopez, Quezon bilang insurgency free municipality kamakalawa.

Ang pagsuko ng 42 na miyembro ng Milis­yang Bayan, 22 Sangay ng Partido sa Localidad at 950 Communist Terrorist Group (CTG) supporters (CAMO/UGMO) sa ilalim ng Platun Reymark SRMA 4B STRPC ay isinagawa sa Convention Hall, PUP campus sa Brgy. Burgos, Lopez, Quezon nitong Huwebes.

Sumaksi sa aktibidad sina Lopez Quezon Mayor Rachel Ubana, Quezon Governor Dra. Helen Tan, 201st Bde. 2ID Battalion Commander Col. Erwin Alea, QPPO Director Col. Ledon Monte, APC -SL Commander PLt.Gen.Roderick Armamento, Maj. Lowell Atienza, Lopez Police chief, mga kinatawan ng DILG at mga stakeholders.

Ang bayan ng Lopez ay pang-labingtatlo na sa 39 na bayan at 2 lungsod sa lalawigan ng Quezon na idineklarang insurgency free.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na dahil dito ay patungo na sa pagyabong ng kaunlaran ang Lopez, Quezon na may ilang taon ding binubulabog ng presensya ng mga makakaliwang grupo dahil sa nakata­yong mga state colleges dito na pinagmumulan ng recruitment sa panig ng mga kabataan.

Magugunita na 15 taon na ang nakalipas nang pasukin ng mga NPA ang police station ng Lopez na ikinasawi ng dating hepe ng pulisya na si Supt. Cesar Santander habang ipinagtatanggol ang kanilang istasyon.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with