^

Probinsiya

Obrero pinabulagta ng tandem

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LAGONOY, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang construction worker sa labas ng kanilang bahay matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakila­lang armado sa Sitio Ma­labod, Brgy. Del Carmen, Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa ng  gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktimang si Livy Delos Santos Caganda, 38-anyos, may-asawa, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima at asawa nito nang tawagin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa likurang bahagi ng kanilang bahay.

Gayunman, paglabas ng biktima ay biglang bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril ang mga suspek at sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ito na duguang humandusay.
 

vuukle comment

LIVY DELOS SANTOS CAGANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with