Presyo ng kuryente sa Bataan, bumaba sa P1.08/kwhr
BALANGA CITY, Bataan, Philippines — Inanunsiyo ng Peninsula Electric Cooperative Inc. (PENELCO) na bababa ang presyo ng kuryente sa buong lalawigan ngayong buwan ng Marso 2023.
Nagkakahalaga ng P1.08 kada kilowatt per hour ang itinakdang bawas-presyo sa mga power consumers.
Ayon sa PENELCO, ito ay dahil sa bahagyang pagbaba ng kanilang nabiling kuryente mula sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) at maging sa kanilang mga power suppliers.
Para sa mga residential consumers na kumukunsumo ng 200 kwhr, nasa ?216.24 ang ibababa ng singil at ?432.48 naman para sa may konsumo ng 400 kwhr.
- Latest