CALAUAG, Quezon, Philippines — Isang sugatang Fraser’s Dolphin ang napadpad sa baybayin ng Barangay Poblacion 3,Calauag,Quezon, kamakailan.
Namatay rin agad ang naturang dolphin na may habang pitong talampakan, ilang minuto matapos itong matagpuan sa dalampasigan.
Kumuha ng sample ng organ ng dolphin ang tanggapan ng Animal Health and Welfare Division ng Provincial Veterinarian Office upang ipasuri sa laboratoryo ng Institute of Environmental Science & Meteorology (IESM) sa University of the Philippines (UP) - Diliman at nang sa gayon ay matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay nito.
Nagpaalala ang departamento sa publiko na kung sakaling may mapadpad na mga endangered species sa baybay dagat ay huwag agad lapitan upang maiwasan ang stress na isa sa posibleng nagiging sanhi ng pagkamatay nito.