Lady kagawad itinumba ng tandem sa Bulacan

Kinilala ni P/Col. Law­rence Cajipe, Bulacan Provincial Police director­ ang napatay na si Maria Romalie Aguilar Buensuceso, 45-anyos, isang negosyante at No. 1 ka­gawad ng Barangay Mercado, Hagonoy, Bulacan.
STAR/ File

CALUMPIT, Bulacan, Philippines — Patay ang isang babaeng barangay ka­ga­wad na negosyante ma­tapos na dalawang beses na barilin sa ulo ng riding-in-tandem na nagpanggap na kustomer sa kanyang tindahan kahapon ng umaga sa Purok 2, Barangay Iba O Este ng bayang ito.

Kinilala ni P/Col. Law­rence Cajipe, Bulacan Provincial Police director­ ang napatay na si Maria Romalie Aguilar Buensuceso, 45-anyos, isang negosyante at No. 1 ka­gawad ng Barangay Mercado, Hagonoy, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10:00 ng umaga nang bumili ang dalawang ‘di pa nakikilalang suspek sa MRG Hardware na pag-aari ng biktima.

Nagtanong pa umano ang isa sa suspek sa tauhan ng biktima kung puwedeng makahingi ng discount kay kagawad sa bibilhin nilang item.

Nang tawagin ng ka­tulong ang biktima, doon na binaril ng isa sa suspek ang lady kagawad ng dalawang beses sa ulo gamit ang cal .45 na baril saka sila mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Ang biktima ay tumakbong konsehal ng bayan noong nakaraang eleksyon ngunit hindi pi­nalad na manalo.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa biktima kung may kinalaman ito sa pulitika at negosyo.

Napag-alaman na ma­raming negosyo ang biktima at kakandidatong barangay captain sa kanyang barangay sa susunod na halalang pambarangay.

Show comments