Bebot na may tattoo, sinalvage
TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Isang bangkay ng babaeng may tattoo na pinaniniwalaang biktima ng salvaging ang natagpuan sa barangay road ng Barangay Bagong Silang sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Ayon kay P/Major. Marcelino Platino, chief of police, walang nakitang anumang bagay na mapagkakakilanlan sa biktima maliban sa nakaukit na tribal tattoo sa kanyang kaliwang kamay, nakasuot ng kulay orange na t-shirt, at itim na leggings.
Base sa imbestigasyon ng SOCO, may tama sa kanang bahagi ng ulo nang bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima. Gayunman, wala namang mga patak ng dugo sa lugar na kinatagpuan nito dakong alas-5:30 ng umaga na palatandaang doon lamang itinapon ang katawan matapos na paslangin ng ‘di kilalang salarin.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang biktima at mga taong pumatay sa kanya.
- Latest