Drayber todas sa sapak ng pamangkin

Sa report, nangyari ang pananapak habang tinangkang pahupain ng biktimang si Antonio Panaga ang nagwawalang pamangkin na si Mark Joseph Siriban, 27, dahil sa sob­rang kalasingan.
File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines —Patay ang isang 52-anyos na drayber matapos na sapakin ng kanyang lasing na pamangkin sa Brgy. Centro, Lal-lo, Cagayan kamakalawa. 

Sa report, nangyari ang pananapak habang tinangkang pahupain ng biktimang si Antonio Panaga ang nagwawalang pamangkin na si Mark Joseph Siriban, 27, dahil sa sob­rang kalasingan.

Sa tindi ng upak, natumba si Panaga at isinugod sa Matilde Olivas District Hospital pero hindi na nagising at na-comatose.

Dahil sa maselang kalagayan, agad na inilipat ang biktima sa Cagayan Valley Medical Center kung saan siya binawian ng buhay habang tumakas ang pamangkin na sinampahan na ng kasong homicide.

Show comments