2 lunod habang nagsu-swimming

Ayon sa report, nagawang marekober ng mga kaanak sa dagat si Corbe habang pinaghahanap pa rin ang katawan ni Tabuena.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang binatilyo ang nasawi nang malunod habang nagsu-swimming sa isang beach sa sinamahang picnic ng kanilang mga kaanak sa Brgy. Centro East, Ballesteros, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na pawang mga grade 10 students na sina Jay Bert Tabuena ng Brgy. Poblacion West, Flora, Apayao at Ireal Corbe ng Bayombong, Nueva Viscaya.

Lumalabas sa imbestigasyon na tinangay ng malakas na alon ang mga biktima habang nagtatampisaw dakong-alas 4:00 ng hapon.

Ayon sa report, nagawang marekober ng mga kaanak sa dagat si Corbe habang pinaghahanap pa rin ang katawan ni Tabuena.

Show comments