^

Probinsiya

Panahon na para sa ‘matalinong serbisyo’ sa Batangas - Recto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Batangas vice gubernatorial candidate Ricky Recto na napapanahon ang “matalinong serbisyo” sa lalawigan ng Batangas upang lubusan itong umunlad.

Ayon kay Recto, maunlad na ang Batangas ngunit malaki pa ang ibubuga nito kung maipapatupad ang kanyang adbokasiya sa “smart governance”.

“Kailangan ang kaalaman kung paano pakikinabangan ang yaman ng lungsod sa imprastraktura, turismo, kalakalan at talento ng mga Batangueño,” ani Recto. Aniya, mapalad ang Batangas dahil nabiyayaan ito ng “world class tourist spots”, isang international seaport at mga road network  na siyang sangkap para sa malakas na ekonomiya.

Dahil dito, sinabi ni Recto na handa siyang bumalik sa pagkabise-gubernador gamit ang talino at serbisyo na taglay ng kanilang pamilya. “Ito po ang ibig sabihin ng Tunay at Tapat na Serbisyo Tatak Recto,” dagdag pa niya.

Kapatid ni Ricky si Sen. Ralph Recto na kilala sa pagbabalangkas ng mga batas na may kinalaman sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.  Lolo naman nina Ricky at Ralph ang sikat na statesman, jurist at poet na si Claro M. Recto. Todo ang suporta nina Sen. Ralph at misis na si Gov. “Ate Vi” para kay Ricky. 

RICKY RECTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with