Kagawad itinumba

Legazpi City, Albay  , Philippines  — Nasawi noon din ang isang incumbent na kagawad ng barangay matapos siyang pagbabarilin ng dalawang gunmen habang nagpapahangin sa terasa ng kanilang bahay sa Purok 6, Brgy.Tugos sa bayan ng Paracale, Cam Norte nitong Biyernes ng gabi. Bumulagta at tigmak sa sarili niyang dugo ang biktimang kinilalang si Jezaril Mirandilla, 57-anyos sanhi ng mga punglong tumama sa kanyang ulo at sa iba’t-bang bahagi ng kanyang katawan. 

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-7:45 ng gabi, habang nagpapahangin sa terasa ng kanilang tahanan ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ito hanggang sa duguang tumimbuwang sa ibabaw ng center table sa kanilang teresa.  Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa patungo sa ng bulubunduking lugar ng Brgy. Batobalani. Patuloy sa ginagawang imbistigasyon ang mga pulis para malaman ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek sa pamamaslang.

Show comments