Magsasaka kinatay ng kabaro

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 30-anyos na magsasaka matapos itong saksakin ng kanyang kabaro dahil umawat sa bangayan sa inuman sa Barangay Lagumbingan, bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Realan Mamon, kinilala ang biktima na si Renato Vicente Bagayan habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si alyas Onyok Malayas, kapwa residente sa nasabing barangay. Naitala ang krimen bandang alas-9:15 ng gabi kung saan dumating ang suspek at nagwawala kaya inawat ng biktima. Gayunman, sumiklab ang mainitang pagtatalo ang kanilang pag-uusap hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima.

Show comments