MANILA, Philippines – Patay ang isang 63-anyos na lolo makaraang aksidenteng mabagsakan ang ulo nito ng isang malaking tipak na bato na gumulong mula sa bundok sa Brgy. Dacanlao, Calaca, Batangas kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Rodrigo Dumas, mangingisda, residente ng Brgy. Sampaga, Balayan, lalawigang ito. Siya at matanda ay may malaking sugat sa ulo na siya itong dagliang ikinasawi mula sa batong nalaglag sa bundok at aksidenteng tumama sa ulo nito.
Sa ulat ng Batangas Police, bandang alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa tabing dagat ng nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, nakita sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang malaking tipak ng bato na may bahid pa ng dugo ng matanda.?
Nabatid na ang matanda ay nagpaalam pa sa kanyang anak noong Enero 27, 2016 na mangingisda pero hindi na nakauwi pa sa kanilang tahanan hanggang sa madiskubre itong bangkay. Wala namang nakikitang foul play sa pagkasawi ng biktima.