TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Hindi na umabot sa Bagong Taon ang 47-anyos na pulis matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Dolores, Paoay City sa Ilocos Norte noong Miyerkules. Sa police report na nakarating kay Ilocos Norte PNP Spokesman P/Chief Insp. Jonathan Papay na nakaupong kalaro ng biktimang si PO3 Nestor Sadian ang kanyang anak na si Nick Mark Angelo nang lapitan at pagbabarilin ng gunman. Hindi naman idinamay ang bata dahil niyakap ito ng ama habang mabilis na tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo dakong alas-11:20 ng umaga.?
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.