MANILA, Philippines - Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi habang dalawa ang grabeng nasugatan nang aksidenteng magbanggaan ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) at kasalubong nitong mini truck sa Dagupan City kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Willie Agsaoay at Mark Jacinto; pawang residente ng Brgy. Tebag ng nasabing lungsod. Isinugod naman sa ospital sina Marck Jacinto at Jeofrey Agpalasin, 31, residente ng Brgy Tebag, Sta. Barbara ng nasabing siyudad.
Sa report ng Dagupan City Police, naganap ang sakuna sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Carangalan Dagupan City bandang ala-1 ng madaling araw.
Nabatid na nag-overtake ang SUV na minamaneho ni Jacinto sa isang tricycle at aksidenteng nasalpok ang mini truck na dala ni Agsaoay. Kapwa idineklarang dead-on-the-spot ang mga biktima.