15-anyos na dalagita, ginilitan ng adik
NORTH COTABATO, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na dalagita matapos itong saksakin at tagain ay ginilitan pa ng di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga saka itinapon sa bakanteng lote sa farm lot sa Purok Tinago, Barangay New Alimodian sa bayan ng Matalam, North Cotabato noong Lunes ng umaga.
Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, kinilala ang biktima na si Jovelyn Queme ng Purok 3, Sitio Calura sa Barangay Minamaing sa nasabing bayan.
Batay sa ulat, nagpaalam ang biktima sa nakatatandang kapatid na babae na may pupuntahan lamang sa kabilang ibayo noong Lunes ng Sept. 15.
Subalit hindi na ito nakauwi hanggang sa natagpuan na lamang ang bangkay nito sa liblib na damuhan ng farm lot.
Nabatid na ang biktima ay nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib, ginilitan pa at pinagtataga sa kanang leeg.
Isinailalim na sa masusing pagsusuri ang maselang bahagi ng katawan ng biktima kung hinalay ito bago pinatay.
- Latest