NBI assistant, pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Philippines— Isang personal assistant ng isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) Office sa Laoag City ang pinabulagta ng riding-in-tandem assassins sa isang madilim na iskinita sa Brgy. Laureta, Solsona, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. ?Kinilala ni Sr. Inspector Leonardo Tolentino, hepe ng Solsona PNP ang pinatay na biktima na si Marlon Grande 41, assistant ni NBI Laoag City Executive Officer Larry Manding at residente ng Brgy Baresbes, Dingras.?Ayon kay Tolentino inaalam nila kung bakit nasa Solsona ang biktima ng naganap ang krimen. Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan. Iniimbestigahan pa ang motibo ng krimen.

 

Show comments