Zambo nakaalerto sa kidnapping spree ng Abu Sayyaf

MANILA, Philippines – Nakaalerto na ang mga pulis at militar sa Zamboanga City kasunod ng sunod-sunod na pagkakaaresto ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na pinaghihinalaang mandurukot ng mga residente.

Sinabi ni City Police director Senior Superintendent Angelito Casimiro na bukod sa kidnapping spree ay nakaalerto rin sila dahil sa pagtugis ng mga awtoridad sa mga rebelde sa Basilan at Sulu.

“We are on heightened alert because of the incident in Sulu,” Casimiro added.

Nitong kamakalawa ay tatlong miyembro ng Abu Sayyaf ang nasakote habang pinaplano ang pagdukot sa anak ng isang negosyante at sa isa pang negosyante.

Nabawi mula sa mga suspek ang 'jungkong' na isang klase ng speedboat na ginagamit ng mga rebelde sa pandurukot ng kanilang mga biktima.

Nakatakas naman ang iba pang miyembro ng grupo, pero naniniwala si Casimiro nagtatago pa ang ilan sa kanyang nasasakupan.

Sa hiwalay na operasyon ay nadakip din ang isa pang miyembro ng Abu Sayyaf na si Sattar Abadulla na nasa likod ng pandurukot sa anim na miyembro ng Jehovah's Witnesse sa Sulu noong 2002.

Umabot na sa anim na rebelde ang kanilang nahuli sa loob lamang ng isang linggo.

“We suspected these Abu Sayyaf members who were spotted here are on kidnapping mission only,” banggi ni Casimiro.

Hindi rin iniisantabi ng mga awtoridad na baka bumawi ang mga rebelde natapos 10 miyembro nila ang nasawi sa engkwentro nila ng militar Huwebes ng nakaraang linggo.

Pitong sundalo naman ang namatay mula sa hanay ng gobyerno, habang 24 ang sugatan.

Show comments