Sayawan niratrat: 5 kritikal

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Lima-katao ang nasa kritikal na kalagayan matapos ratratin ng dating barangay chairman sa naganap na karahasan sa Sitio Bantolinao, Barangay Amolog sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Naisugod naman sa Masbate Provincial Hospital ang mga biktimang sina Romulo Dumanguin, 53; Jolly Asotado, 20; Nimfa Bulalacao, 40; at ang dalawa na bineberipika pa ang pagkakakilanlan. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si ex-Chairman Randy Rollon, 35, ng Barangay Macabug sa naturang bayan. Lumilitaw na nakaupo ang mga biktima sa barangay plaza kung saan ginaganap ang sayawan nang ratratin ng suspek na sinasabing lango sa alak.

 

Show comments