LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 44-anyos na magsasaka matapos itong magbigti dahil sa pagkamatay ng alaga nitong baka sa Purok 6, Barangay Pabrica sa bayan ng Bulan, Sorsogon kamakalawa ng umaga. Bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ang biktimang si Fernando Hermogino na nakabigti sa puno ng sampaloc may ilang metro ang layo sa kanyang bahay. Nabatid na malaki ang naging epekto sa biktima ng namatay ang alaga nitong baka dahil ito ang pinagkukuhanan ng kanyang kabuhayan at ng ilang kapatid. Huling namataang buhay ang biktima na lumabas ng kanyang bahay bandang alas-6 ng umaga kung saan hindi na nakauwi.