Binasted sa panliligaw, nagbigti

QUEZON, Philippines - - Hindi na hinintay pa ng 25-anyos na binata na salubungin pa ang Bagong Taon na nagdadalamhati bunsod ng pambabasted ng nililigawang dalaga makaraang wakasan nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa ng hapon sa Barangay 10, Lucena City, Quezon. Nakabitin sa punungkahoy sa likuran ng kanilang bahay nang matagpuan ang biktimang si Jose Pumarada Jr. Sa ulat ng pulisya, bago isinagawa ng biktima ang pagpapatiwakal ay nabanggit nito sa kanyang mga kaibigan na masamang masama ang kanyang loob dahil sa pambabasted ng kanyang nililigawang babae. Inakala ng biktima na bilang regalo sa Bagong Taon ay sasagutin siya ng babae subalit kabaligtaran ang nangyari kaya ito kusang nagpasalubong kay kamatayan.

Show comments