TUGUEGARAO CITY, Philippines -- Mabigat na atraso ang paÂngunahing hinala ng mga tagapagsiyasat ng pulisya kaugnay sa pagtumba ng tatlong gunmen sa isang 33-anyos na lalaki habang nakikipag-umpukan sa maraming tao sa Brgy. Valdez, bayan ng Marcos, Ilocos Norte kamakalawa.
Kinilala ni Chief Insp. Dexter Corpuz ang biktma na si Ricky Dave Rebuelto ng nasabing lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon na kasalukuyang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kabarangay ang biktima nang tawagin siya ng tatlong lalaking sakay ng isang motorsiklo at nang papalapit ay saka biglang pinagbabaril ng cal. 45.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo bago pa man nagsidatingan ang mga nagresÂpondeng pulis na naghatid sa biktima sa ospital kung saan ito nalagutan ng hininga.