MANILA, Philippines - Patay na lumulutang sa ilog ang isang 24-anyos na binata na sinasabing ex-convict kahapon ng umaga sa Brgy. Sampaloc 4 Dasmarinas City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Willievie Cadotdot, alyas Jay Ar, 24, ng Putok 6 Brgy. Victoria reyes dasmarinas City, Batay sa imbestigasyon ni PO3 Goerge Fajardo, alas 6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na palutang lutang sa ilog ng Zone 10 Brgy. Sampaloc 4 ng nasabing lugar. May malaki itong sugat sa likuran ng ulo na hinihinalang hinataw ng matigas na bagay. Napag alaman na dating preso ang biktima sa BJMP Dasmariñas sa kasong violation of Pd 1866 or illegal possesion of fire arms. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil dito.