Sinibak sa trabaho, nagbigti

BULACAN, Philippines - – Dinamdam ng 40-anyos na mister ang pagkakasibak niya sa trabaho matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Bagumbayan, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon. Bandang alas-5 ng hapon nang matagpuan ang nakabiting katawan  ni Ramil Diaz ng Lopez Jaena Street sa nasabing barangay. Ayon kay SPO1 Ferdinand Cabuhat, huling namataang buhay ang biktima na nakatulala dahil sa pagkakasibak sa trabaho sa Intercity Industrial Estate sa Barangay Wakas. Pinaniniwalaang desperado na ang biktima sa pagtataguyod ng kanyang pamilya dahil sa kawalan ng trabaho.

Show comments