Barangay chairman itinumba

BANGUED, Abra, Philippines - - Isa na namang barangay chairman ang pinabulagta matapos itong pagbabarilin ng kanyang kabarangay sa bayan ng Bangued, Abra noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang napaslang na si Chairman Raymund Bustamante Evangelista, 42, ng Barangay Sinapa­ngan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Berto Belisario.

Base sa ulat ng pulisya, inimbitahan ng suspek si Chairman Evangelista sa kanyang bahay para pag-usapan ang isa sa kasong pinag-uusapan.

Subalit habang papa­lapit na ang biktima kasama ang kaibigang si Melchor Yves Sibayan sa bahay ng suspek sa Purruganan Street sa Zone 6 ay umali­ngawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Duguang bumulagta ang biktima habang nakatakbo naman si Sibayan.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Nabatid na ang biktima ay kaalyado ni ex-Mayor Ryann Luna na sinasa­bing sinibak sa kanyang puwesto bago mag-election noong Mayo 2013 matapos magpalabas ng arrest warrant ang korte sa kasong murder  kaugnay sa pamamaslang sa isang kandidato noong 2010 polls.

Show comments