^

Probinsiya

Bomber utas sa shootout, 1 pa timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang sa shootout ang isang pinaghihinalaang miyembro ng ‘bomb for hire‘ na sinanay ng Jemaah Islamiyah (JI ) terrorist  habang nasakote naman ang kasamahan nito sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar  sa Datu Paglas, Maguindanao nitong Bi­yernes ng hapon.

Sa ulat ni Maguindanao Provincial Police Office Director P/Sr Supt. Rodelio Jocson kinilala ang nasawing suspek na si Nadzir Pakasi Mongkas.

Arestado naman ang kasamahan nitong si Rahib Pelandoc Guialudin, guma­gamit ng mga  alyas na  Je­rome Guialudin at Candao.

Ayon sa opisyal ang dalawang suspek ay pawang kasapi ng bomb for hire gang na nag-ooperate sa Maguindanao kung saan ang nasawing si Mongkas ay sinanay ng JI terrorist sa Pakistan at Afghanistan.

Sinabi ni Jocson, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng pulisya at Phil. Army matapos na makatanggap ng report  na magbibiyahe ng mga eksplosibo ang dalawang suspek na dadaan sa Tacurong-North Cotabato highway sa Datu Paglas lulan ng multicab (MEH 338).

Habang padaan sa inilatag na checkpoint ng mga awtoridad ay agad na bumunot ng baril si Mongkas na nagsilbing hudyat ng shootout na siya nitong ikinamatay.

Nasamsam mula sa mga ito ang sari-saring mga Improvised Explosive Device (IED), tatlong homemade cal 50 caliber barret sniper rifles, isang M16 armalite, isang Singaporean made cal 5.56 assault rifle, dalawang cal.45 pistol at isang IED na may battery-operated na blasting device.

DATU PAGLAS

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

JEMAAH ISLAMIYAH

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

MONGKAS

NADZIR PAKASI MONGKAS

RAHIB PELANDOC GUIALUDIN

RODELIO JOCSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with