Barangay chairman itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Matapos ang pamamaslang sa dating barangay chairman na sinasabing muling kakandidato sa barangay elections, isa na namang chairman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng highway sa Barangay 20 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Chairman Randy Dipasupil ng Barangay San Marcos habang nakaligtas naman ang kasama nitong barangay tanod na si Wilbur Doronio. Lumalabas sa imbestigasyon na bumabagtas sa kahabaan ng highway ang biktima kasama si Doronio lulan ng kotse nang dikitan at ratratin ng  mga di-kilalang lalaki na lulan naman ng van. Nabatid na may pagbabanta sa buhay ni Dipasupil mula sa hindi kilalang grupo ng sindikato. Noong Sabado, itinumba ng tandem assassins si ex-Chairman Amor Taclay ng Barangay Turod, bayan ng Badoc, Ilocos Norte.


Show comments