MANILA, Philippines - Tatlong sundalo ang napatay habang isa pa ang nasuÂgatan sa pagsabog ng landmine ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Sitio Buhisan sa bayan ng San Agustin, Surigao del Sur kahapon ng umaga Martes. Nakasagupa ng Army’s 29th Infantry Battalion ang mga rebelde sa Sitio Buhisan bandang alas-9:50, ayon kay Brig. Gen. Ricardo Visaya ng Army’s 4th Infantry Division. Gayon pa man, habang nagmamaniobra ang tropa ng mga sundalo ay natapakan ng mga ito ang landmine na itinanim ng NPA kung saan tatlo ang nasawi. Natagpuan naman ang mga tulda ng NPA, mga personal na kagamitan at iba pa matapos magsiatras sa sagupaan.