Cafgu, pulis itinumba ng NPA

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang alagad ng batas matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Libertad sa Escalante City, Negros Occidental noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Major Ray Tiongson, spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division ang mga biktima na sina Cafgu Active Auxiliary Joseph Lutrago, 38; at ang pulis na tinukoy lamang sa apelyidong  PO1 Tanguan.

Sa police report, lumilitaw na magkaangkas  sa motorsiklo ang dalawa patungo sana sa Escalante City Public Market  nang tambangan ng mga rebelde pagsapit sa nabanggit na barangay.

Nasapul ng tama ng bala sa ulo si Lutrago habang bago naman namatay si Ta­nguan ay nagawa pa nitong makipagbarilan sa kalaban.

 â€œWe extend our deepest and sincerest condolences to the bereaved families. The killing made by the NPA is a worst form of tactical offensive. It was done with treachery and goes to show how heartless they are “, pagkondena naman ni Major Gen. Jose  Mabanta Jr.,  commander ng Army’s  3rd Infantry Division.

 

Show comments