4 Tsino tiklo sa firing range

MANILA, Philippines - Kalaboso ang apat na Tsino matapos maaktuhang nagsasagawa ng practical shooting sa firing range gamit ang mga baril na walang lisensya sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina  Jason Limsoy Chang, 42; Sek Qing Hui, 44; Tomy Kua Sy, 32; at si Jake Co Shi, 35.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang mga suspek ay inaresto ng pang­kat ni P/Senior Inspector Wilfredo Odchigue  sa bisinidad ng Northern Min­danao Practical Shooting Association Firing Range sa Cagayan de Oro City.

Sa beripikasyon, ang mga baril ay walang lisensya o hindi rehistrado ang gamit ng mga ito sa practical shooting.

Nang hingan ng kaukulang papeles na nagpapatunay  na legal ang mga ginagamit na baril ay walang maipakita ang mga suspek.

Nasamsam mula sa mga suspek ang cal. 45 pistol, cal. 9mm luger, MOD KG 9 at dalawang banana type magazine.

 

Show comments