Trader ninakawan, pinatay

QUEZON, Philippines  – Pinagnakawan at pinatay ang 58-anyos na negosyanteng misis matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na lalaki sa Barangay Cecilia sa bayan ng Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng mga tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Zenaida Gaurano habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Jeric “Bagets”  Brucelo, 22. Ayon kay PO2 Nestor Lantin, nagpapahinga ang biktima sa kanyang tahanan nang pasukin ng suspek na winasak ang pintuan sa likuran ng bahay. Tinangkang manlaban ng biktima subalit agad itong inundayan ng saksak ng suspek. Tinangay ng suspek ang  P200,000 cash, gintong sing­sing at kuwintas bago tumakas subalit namataan naman siya ng ilang bystander na puno ng dugo ang damit kaya ipinagbigay alam sa pulisya.

Show comments