2 Ama kinatay ng anak

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawang ama ang napaulat na kinatay ng sarili nilang mga anak sa magkakahiwalay na insidente sa mga bayan ng Gonzaga at Tuao, Cagayan, kamakalawa.
 Ayon sa pulisya, isa sa mga biktima ay isang 52 anyos na amang magsasaka na pinagtataga at napatay ng sariling anak matapos ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan. 
Kinilala ang biktima na si Ernesto Calibuso ng nasabing lugar habang  ang suspek naman ay ang anak nitong binata na si Marlon, 29 taong gulang.
Sinasabing nagtalo ang mag ama kaugnay sa madalas na paglalasing ng nakababatang suspek hanggang nauwi sa pananaga ng anak sa kaniyang ama.

Ang biktima ay idinekla­rang dead on arrival sa Aparri District Hospital habang na­dakip naman ng mga nagres­pondeng Brgy. Tanod ang suspek.

Sa isa pang insidente sa Brgy. Bagumbayan, Tuao ay pinagsasaksak ng suspek na si Demetrio Catindoy Jr.24 ang amang si Demetrio Sr. 42 matapos pagalitan ng  mahuling lango sa alak na humantong sa malagim na krimen.

 

Show comments