Opisyal ng barangay itinumba sa sabungan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 32-anyos na opisyal ng barangay matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng sabungan sa Sitio Camarin, Barangay Guadalupe sa bayan ng Esperanza, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Wenceslao Rodrigo Balza, barangay administrative aide II at nakatira sa Barangay Domorog ng naturang bayan. Sa ulat ng pulisya, ang biktima ay pinagbabaril  sa loob ng sabungan habang ang kasama nitong barangay tanod na si Oliver Calolot ay hindi naman idinamay.Tinangay ng gunmen ang pitaka ng biktima at ang gintong kuwintas saka tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Show comments