^

PM Sports

Gilas walang balak magpakampante

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala sa isip ng Gilas Pilipinas na magpakampante sa kabila ng ma­ningning na ratsada nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Wala pa ring bahid ang Gilas Pilipinas tangan ang imakuladang 4-0 marka na nagbigay ng awtomatikong tiket sa Pinoy cagers para makapasok sa FIBA Asia Cup proper sa susunod na taon na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.

Galing ang Gilas Pilipinas sa 93-89 panalo laban sa world No. 22 New Zealand noong Huwebes at 93-54 demolisyon sa Hong Kong noong Linggo.

Ngunit walang balak magpakampante ang Gilas Pilipinas dahil mas matinding laban ang haharapin nito.

Sa Pebrero, muling makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand at Taiwan.

“The two away games in February, those are the toughest part of this window, both will be played on the road, a tough load for us,” ani Cone.

Kaya naman inaasa­hang mas magiging ma­tindi ang paghahanda nito para sa susunod na laban.

“We’re already looking forward to that challenge,” dagdag ni Cone.

Maiksi lang ang preparasyon ng Gilas Pilipinas sa second window dahil sa magkakaibang commitments ng mga players.

Umaasa si Cone na madadala ng Gilas Pilipinas ang magandang momento sa kanilang mga susunod na laro upang mas lalo pang tumaas ang lebel ng paglalaro nito.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with