NBA crown inangkin ng Thunder, SGA finals mvp

OKLAHOMA CITY -- Nagsumite si Shai Gilgeous-Alexander ng 29 points at 12 assists para banderahan ang Thunder sa 103-91 pagdaig sa Indiana Pacers sa ‘winner-take-all’ Game 7 at angkinin ang NBA championship.
Umiskor si Jalen Williams ng 20 points at may 18 markers si Chet Holmgren para sa Oklahoma City na tinalo ng Indiana sa Game 6 para makahirit ng ‘sudden death’ sa NBA Finals.
Ito ang ikalawang NBA crown ng prangkisa matapos maghari ang Seattle SuperSonics noong 1979 bago lumipat sa Oklahoma City noong 2008.
“It doesn’t feel real,” sabi ni Gilgeous-Alexander matapos ang laban. “So many hours. So many moments. So many emotions. So many nights of disbelief. So many nights of belief. It’s crazy to know that we’re all here, but this group worked for it. This group put in the hours, and we deserve this.”
Naipanalo ng Thunder ang 84 games sa regular season at playoffs para duplikahin ang naitala ng 1996-97 Chicago Bulls para sa ikatlong may pinakamaraming panalo sa isang season.
Ang unang dalawa ay ang Golden State Warriors (88 noong 2016-17) at ang Bulls (87 noong 2015-16).
Minalas ang Pacers na makamit ang kauna-unahan nilang titulo kasama ang masaklap na Achilles tendon injury ni star guard Tyrese Haliburton sa first period at hindi na nakabalik sa laro.
“All of our hearts dropped,” wika ni Pacers coach Rick Carlisle sa sinapit ni Haliburton na tumipa ng mga averages na 17.7 points at playoff-leading 9.0 assists.
“I’m proud of that kid,” dagdag ni forward Pascal Siakam kay Haliburton.
Pinamunuan ni Bennedict Mathurin ang Indiana sa kanyang 24 points at 13 rebounds.
- Latest