^

PSN Palaro

Cariño nag-overhaul sa Altas spikers para sa NCAA Season 101

Pilipino Star Ngayon
Cariño nag-overhaul sa Altas spikers para sa NCAA Season 101
Ang pagsasanay ng Perpetual Altas spikers. 

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay naghahanda na ang University of Perpetual Help System DALTA para sa NCAA Season 101 men's volleyball tournament.

Ito ay dahil na rin sa pagtatapos ng 14-time champion Altas Spikers sa sixth place sa nakaraang NCAA Season 100 na pinagwagian ng Arellano University Chiefs para sa kanilang kaùna-unahang titulo.

“Kung mapapansin ninyo maraming nawala. Nag-reshuffle ako, dinisiplina ko lang sila, may hindi fit sa discipline na gusto ko,” sabi ni coach

 “I need a good leader and good example for the newbies like Jeff Marapoc, Koby Tabuga, Klint Mateo, John Castil and Dexter Arrozado,” dagdag nito.

Nakahugot ang Perpetual ng 11 rookies na isasabak sa NCAA Season 101.

Kabilang dito ang anim mula Palarong Pambansa at ilang players ng namayapang si coach Sammy Acaylar sa Living Stone sa Bacolod City.

“Iyong usual routine nila after ng season, one week break lang balik practice na ulit sila. Lalo na ngayon, double time kami to meet the caliber and top shape of the squad,” wika ni Carin?o.

“Ngayon kasi maraming rookies, kailangan talaga tutok, intense training from conditioning to regular training,” pagtatapos ng Altas Spikers mentor. 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with