^

PSN Palaro

Semis ikinasa ng Tropang 5G

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Semis ikinasa ng Tropang 5G
Nalusutan ni Calvin Oftana ng TNT si Rome Dela Rosa ng Magnolia.
PBA Image

MANILA, Philippines — Buhay pa ang pangarap ng TNT Tropang 5G para sa pambihirang PBA Grand Slam.

Muling tinalo ng No. 6 Tropang 5G ang No. 3 Magnolia, 80-79, sa kanilang ‘sudden death’ quarterfinals game papasok sa semifinals ng PBA Season 49 Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Nauna nang itinakas ng TNT ang 89-88 panalo kontra sa Magnolia, humawak ng ‘twice-to-beat’ advantage, noong Miyerkules.

Ang tapik ni Calvin Oftana sa bolang hawak ni Ian Sangalang ng Hotshots sa huling 2.7 segundo ang sumelyo sa ikalawang sunod na pag-eskapo ng Tropang 5G.

Tumapos si Oftana na may 18 points, habang may 18 markers din si RR Pogoy bukod sa 7 rebounds at 5 assists para banderahan ang TNT na naghari sa nakaraang PBA Governors’ Cup at Commissioner’s Cup at tutukan ang Grand Slam.

Nagdagdag si Brandon Ganuelas-Rosser ng 12 points at may 10 markers si Kelly Williams kasama ang dalawang free throws sa huling 2.7 segundo ng fourth quarter.

“I’m was just telling the players to just hold on, don’t worry about their missed shots, don’t worry about their offense, just defend as much as we can because I knew we don’t have the legs anymore towards the endgame,” ani coach Chot Reyes.

Pinamunuan ni Zav Lucero ang Magnolia sa kanyang 15 points at may 14, 13 at 12 markers sina Ian Sangalang, Jerom Lastimosa at Aris Dionisio, ayon sa pagkakasunod.

Ilang beses naghabol ang Hotshots sa fourth period bago naagaw ang 79-78 abante sa huling 5.8 segundo mula sa basket ni Sangalang sa ilalim.

Nakahugot ng foul si Williams sa 47-anyos na si Rafi Reavis sa natitirang 2.7 segundo para sa dalawa niyang free throws na nagbigay sa Tropang 5G ng 80-79 abante.

Lalabanan ng TNT sa best-of-seven semifinals series ang mananalo sa quarterfinals match ng No. 2 NLEX at No. 7 Rain or Shine.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with