Valdez sabik na kay Jia

MANILA, Philippines — Excited na si veteran outside hitter Alyssa Valdez na muling makasama si playmaker Jia Morado De Guzman sa kampanya ng Creamline Cool Sma-shers sa Premier Volleyball League (PVL).
Kumpirmado na ang pagbabalik ni De Guzman sa Cool Smashers matapos maglaro biilang import sa Japan V.League kasama ang Denso Airybees sa loob ng dalawang taon.
Ngunit kailangan pa ng Cool Smashers na maghintay muna dahil bahagi si De Guzman ng Alas Pilipinas.
Hindi muna maglalaro ang lahat ng miyembro ng Alas Pilipinas sa PVL hanggang may torneo itong lalahukan.
Matatapos ang kampanya ng Alas sa Oktubre — ang petsa kung kailan maaaring bumalik ang mga national players sa kani-kanyang mother teams.
Kaya naman inaabangan na ni Valdez ang muling pagsusuot ni De Guzman ng Creamline jersey.
Sabik na rin ang mga fans ng Cool Smashers na muling makita ang tambalan nina Valdez at De Guzman na nagsimula noon pang nasa college days ang dalawa sa Ateneo de Manila University na naglaro sa UAAP.
- Latest