Cignal ipapakita ang lakas sa Akari

MANILA, Philippines — Ilang bigating beterano at papasikat na rookies ang ipaparada ng Cignal HD sa pagsagupa sa Akari sa paghataw ng 2025 Premier Volleyball League (PVL) on Tour sa Vigan, Ilocos Sur.
Haharapin ng HD Spikers ang Chargers ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang pagtutuos ng Creamline Cool Smashers at Capital1 Solar Spikers sa alas-6:30 ng gabi sa Chavit Coliseum.
Nahugot ng Cignal sina opposite spiker Erika Santos, Tine Tiamzon, Ethan Arce at Heather Guino-o at sina Erin Pangilinan at Jessa Ordiales mula sa 2025 PVL Rookie Draft.
“Mas excited kami magturo this time kasi ‘yung mga ina-eye namin na players, nakuha namin,” ani coach Shaq Delos Santos. “We’re confident in their potential and how they fit into the system we’re building.”
Itatampok naman ng Akari si dating Creamline setter Bea Bonafe na papalit sa nagretirong si Michelle Cobb na tatayong assistant manager at bagong coach Tina Salak.
“Creamline has been really supportive in the transition of looking for another team. It’s time for me to pursue my personal goals na rin naman,” sabi ng 23-anyos na si Bonafe na isinuot ang uniporme ng Cool Smashers sa nakaraang dalawang full seasons at limang conferences.
Kagaya ng Cignal at Akari, ang unang panalo rin ang target ng Creamline at Capital1 sa kanilang banggaan sa ikalawang laro.
Hindi makikita sa PVL on Tour ang mga miyembro ng Alas Pilipinas dahil sa kanilang national team period mula Mayo 15 hanggang Oktubre 15 kung saan sila lalahok sa mga international tournaments bilang paghahanda sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.
- Latest