^

PSN Palaro

Semis spot target ng Perpetual

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala ng habol ang University of Perpetual Help Sys­tem DALTA sa ‘twice-to-beat’ incentive na ibibigay sa top two teams pagka­ta­pos ng double round ro­bin eliminations ng NCAA Season 100 women’s volley­ball tournament.

Pero may pag-asa pa ang Lady Altas na makapa­sok sa semifinals kaya tiyak na gagawin nila ang lahat para makuha ang panalo kontra Jose Rizal Universi­ty ngayong alas-2:30 ng ha­pon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.

Tangan ng Perpetual ang 9-6 karta, nasa pang-lima sila ng team standings at dahil may tatlo pang laro ang nalalabi ay puwede pa nilang mahabol ang No. 3 Mapua University, (11-5) at No. 4 Arellano University (11-6).

Ipaparada ng Lady Al­tas ang kanilang kamador na si Shaila Allaine Omipon para iharap sa mga pam­ba­to ng Lady Bombers.

Bukod kay Omipon ay sasandalan din ni Perpe­tual coach Sandy Rieta sina Camille Bustamante, Winnie Bedana, Pauline May Reyes at Geraldine Rae Palacio.

Wala nang pag-asa ang Lady Bombers (2-14) na makalaro sa Final Four.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with